Bakit sya hindi?
Kung ano pa ang mga bagay na ayaw ko yun pa ang ginagawa nya,
Tinatanong ko kung bakit, "I Love You" yan lang ang sinasagot nya.
Totoo pala ang pag-ibig sa una lang masaya,
Habang tumatagal nag-iiba,
Pero di ko sinabing di na ako masaya,
Di lang ako masaya dahil nagbago na sya.
Noong hindi pa kami,
Excited ako lagi gumising 4:00 am palang may text na agad ako na galing sa kanya.
Ngayong kami na,
Umaabot na ng kinabukasan wala pa ding text.
Noong hindi pa kami,
Lagi nya ako tinatawagan dalawang ring palang ng phone nya sinasagot na niya agad.
Ngayong kami na,
Umaabot na ng 30 miscol madalas unattended pa, sagutin man papatayin din agad.
Kausapin mo sya,
Tanungin mo kung bakit,
Ang isasagot nya lang,
"I Love You".
Pag nagalit ka na,
Sasabihin nya ganito naman talaga ako,
Naiisip ko,
Ako ba ang nagbago?
May nagbago nga ba?
O sinasadya na ang lahat,
At manhid lang ako?
O di ko lang matanggap.
Mayroon na bang iba?
O nagsasawa na lang talaga.
Di naman sa pagiging tamang hinala,
Lahat naman may dahilan.



